Paano nga ba? Yan ang tanong na unti unting na bubuo sa kanyang isipan
Kung paano nya muling sisimulan ang pag buo ng kanyang mga pangarap.
Dahil minsan sa kanyang buhay dumating din ang kabiguan at maling landas na kanyang napiling tahakin
Ngunit ganun paman ang nangyari sa kanyang buhay, ninanais nya na muling tahakin ang liwanag.
Ngunit paano nga ba sisimulan ito? Ang Magsimba at humingi ng tawad ng mula sa kaibuturan ng kanyang puso, matutunang pahalagahan at mahalin ang sarili, matutunang pagaralan ang pananalita na di makakasakit ng kapwa.
Minsan sa buhay nya marami syang mga kaibigan na handang tumulong sa ano mang oras na kailanganin nya , ngunit hindi lahat ay tumagal, meron na humusga agad sa nangyari sa kanya, meron din na pilit syang inuunawa, at meron din na sumuko na.
Ngunit sa kabila ng lahat pilit pa rin nyang ibinabangon ang kanyang nasirang landasin, sinisimulan nyang humingi ng tawad sa mga taong alam nya o naisip nya na maaring nagawan nya ng kasalanan. May mga taong pinatawad agad sya at may mga taong binalewala lang sya, gaano man ang sakit na idinulot nun sa kanya, mas pinili nya pa rin na ayusin ang kanyang buhay, hindi lang para sa kanya kung di para na rin sa kanyang pamilya na labis na nasaktan sa kanyang dinanas.
Noon nya na pagtanto na kahit ano man ang nagawa nya, pamilya nya pa rin ang unang gagabay at uunawa sa kanya. Kaya ngayon ang buhay nya ay unti unting nagliliwanag, dahil natutuhan nyang magbalik loob sa kanya at natutunan nya na pahalagahan ang mga tao na nagmamahal at nagbibigay ng importansya sa kanyang buhay.
Well done...I can relate with this one very much...parang nakikita ko ang sarili ko dito..salamat
ReplyDeleteSalamat po ulit
ReplyDelete"Minsan sa buhay nya marami syang mga kaibigan na handang tumulong sa ano mang oras na kailanganin nya , ngunit hindi lahat ay tumagal, meron na humusga agad sa nangyari sa kanya, meron din na pilit syang inuunawa, at meron din na sumuko na.
ReplyDeletesakto sakto sa akin tong part na to. Noon panahon na litong lito ako at di alam ang gagawin, me mga kaibigan na tumulong at umnawa sa akin, pero meron din hinusgahan ako at pilit iniiwasan.
Accepted ko namn yun e. Pero di ko alam na ganito pala kasakit yun lalo na at special sa yu ang isang tao.
Aminado ako sa mga nagawa ko at pinagsisihan ko na ang mga yun at nangakong di na babalikan pa, but I guess, until now, di nya ako mapatawad...saan mn sya ngyun, sana mapatawad na nya ako....