Saturday, August 25, 2012

Isang Yugto ng Buhay ni Rhea


Ang kwento ng pag-ibig ni Rhea, ay nagmula sa mapaglarong isipan ko.

Sya ay isang simpleng babae na may simpleng pangarap sa buhay, yun ay ang magkaroon din ng isang simpleng pamilya kasama ang kanyang pinakamamahal. Sa unang taon ng kanilang pagsasama, sila ay pinagkalooban agad ng isang munting angel na lalong nagpalalim ng kanilang pagmamahalan, ngunit dahil sa unti unting paglaki ng kanilang pamilya, napilitang lumayo pansamantala ang kanyang mapagmahal na asawa upang maghanap buhay para sa kanila ng kanilang anak. 

Sa unang mga taon ng kanyang pagtatrabaho ay maganda naman ang naging bunga ng kanyang pagpapakahirap, nagagawa nyang umuwi isang beses sa isang linggo, hangang maging isang buwan, hangang maging dalawa o tatlong buwan bago sya umuwi sa bahay nila. Ni minsan ay hindi sya nagduda sa kanyang asawa, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari darating at darating ang araw na malalaman nya ang dahilan ng unti unting pagtagal ng paguwi ng kanyang pinakamamahal sa kanila.

Isang araw na sya ay lumuwas upang supresahin ang kanyang kabiyak, sa di inaasahan sya ang nabigla sa kanyang nakita, ang kanyang pinakamamahal ay nasa piling na ng iba.

Wala syang giinawa kung di ang umiyak ng umiyak at kausapin ang kanyang kabiyak, tanungin kung ano ang nangyari sa maraming taon ng kanilang pagsasama, ngunit ang tanging narinig nya ay ang paghingi ng tawad nito at tuluyang  iwanan silang mag ina. Sinubukan nya na ipaglaban ang kanyang karapatan bilang kabiyak ng kanyang asawa ngunit paano mo ipaglalaban ang isang pag-ibig kung isa na lang ang nagnanais na mabuo muli ito.

Kung ang taong ipinalit nya sa'yo ay walang puso, para maintindihan ang iyong pinagdaraanan. Walang nasa isip kung di ang kanyang nararamdaman at di naiintindihan kung ano ang magiging kahihinatnan nito sa munting angel na kanyang pinakamamahal. 

Sa mga unang paguusap ay tumutupad ang kanyang kabiyak sa pagtustos sa pangangailangan ng kanilang anak, ngunit unti unti itong dumadalang sa pagpapadala ng suporta para sa kanilang anak. Sa kabila nito ipinaglaban pa rin nya ang karapatan ng kanyang anak na matustusan ng kanyang ama ang kanyang mga pangangailangan, hangang sumuko na rin sya at nag desisyon na sya nalang ang magpatuloy sa pagaaruga at pagsuporta sa kanyang anak, dahil nanliliit sya sa kanyang sarili sa tuwiing nnanlilimos sya ng suporta para sa kanyang anak.

Minsan naisip nya, ano ba ang naging mali sa desisyon nya. ang pagaasawa ba nya ng napakabata pa, o ang labis nyang pagtitiwala at pagmamahal. 

Ngunit sa bandang huli naniwala pa rin sya na di ito ibibigay sa kanya kung di nya ito makakaya.

Sa ngayon pinipilit nyang ibigay ang magandang buhay para sa kanyang munting angel. Nawa'y patuloy syang gabayan ng poong may kapal sa kanyang buhay.

No comments:

Post a Comment