Saan ba nasusukat ang isang pagkakaibigan?
ito ba ay kailangan kilala mo sya mula pa sa iyong pagka bata,
o pwede rin na kanina mo lang sya nakilala..
Para sa isang kagaya nya, ang tunay na pagkakaibigan ay di
nasusukat sa tagal ng pinagsamahan, kung di paano nya nagawang
pumasok sa kaibuturan ng iyong puso.
Isang kaibigan na handang makinig sa lahat ng magaganda at di
gaanong kaganda na nangyari sa iyong buhay.
At handang sabihin sa iyo ang nilalaman ng kanyang puso,maging
ito man ay makakasakit o makakapagpasaya sa iyo, dahil isa lang
ang ninanais nya ang maging tapat at totoo sa kanyang pananaw
sa mga bagay na nasabi mo sa kanya.
Dahil para sa kanya ang isang tunay na nagmamalasakit ay yung
taong handa kang saktan para matuto kang lumaban sa agos ng
iyong buhay.
At hindi yung mga taong ang kaya lang sabihin ay kung ano ang
magpapangiti sayo at natatakot na masaktan ka.
Kaya saan man sya padparin ng kanyang paglalakbay palagi
paring may nakikilala na handang sya ay gabayan, dahil sa
kabutihan ng kanyang puso na naipamamalas nya.
At dahil sa paniniwala nya, na ang may kapal ay laging nasa
tabi nya upang sya ay gabayan mula sa mga taong napili nya
na mapalapit sa kanya.
for me, a true friend is the one who never judge you on your action, or things you have said.
ReplyDeleteGaya nga ng sabi ng iba, ang tunay na kaibigan ay natatagpuan sa panahon ng kalungkutan o kagipitan..parang si Lord, nasa tabi natin sa lahat ng oras
thanks again for having time to read my blog...
Delete