Paano nga ba mailalarawan ang pangungulila sa isang minamahal, kung ang pag-ibig ay wagas at tunay. Paano mo maipapadama ang iyong tunay na pagmamahal kung ang layo mo ay di mo na sya matanaw?
Ang isang tunay at wagas na pag-ibig, malayo man ito o malapit, kung ikaw ay tapat at nagtitiwala sa iyong minamahal ano mang pagsubok na dumating ay malalampasan din. Ngunit kung sa simula pa lang ay naiisip mo na na napakahirap ang ganitong kalagayan, pano mo pa malalampasan ang madaming taon ng pagkakawalay.
Ang isang pagmamahal ay hindi magtatagal kung isa lang ang gumagawa ng paraan upang ito ay maging mas malalim at matibay. Ngunit ang isang pagmamahalan na pinapahalagahan ng dalawang tao ay may mararating na tagumpay. Tiwala, respeto at panalangin ang laging lalong nagpapatibay ng isang relasyon, gaano man kayo ka layo sa isa't isa kung tunay at wagas ang pagmamahalan ito ay gagantimpalaan.
Bakit kailangan mong isipin na malayo sya sa iyo, kung kaya mo namang maging malapit sa kanyang puso, hindi hadlang ang distansya upang di mo maipadama ang iyong pagmamahal, maging maunawain, maalalahanin at mapagmahal. Dahil kung gaano kahirap para sa'yo ang malayo sa kanya ganun din ang pakiramdam nya.
No comments:
Post a Comment