Friday, August 24, 2012

Ang pagdaloy ng luha sa gitna ng Gabi...


Isang gabi ng katahimikan,
unti unting dumadaloy ang mga
agos ng pangungulila, di sinasadja
di pinipilit kusang umaagos sa isang pagpikit...

Bumabalik ang masasayang sandali na kasama,
ang bawat isa, ang mga halakhak, kulitan,
ang pagpapadama ng pagmamahal para sa isat isa...

Bigla nananabik sa apat na sulok ng dating kinahihigaan,
ang paboritong kumot na pumapawi sa lamig na nadarama,
ang malaking si Mholly, si pooh na katabi sa pagsapit ng gabi...

Ang mga haplos ng mapagkalingan kamay ng aming butihing ina,
sa oras ng karamdaman ay dumadapi sa aming katawan,
Ang malakas na boses ni Daddy at pakikipagkulitan sa kanya...
Ang aming pagsasamang magkakapatid sa isang simpleng
kainan, kwentuhan at kantahan...

Ang paggalang sa aking lola and lolo, ang yakap ng pagmamahal
at halik ng pagkalinga. Ang pagbibigay ng isang simpleng bagay
na nagmumula sa mga puso, na nagbibigay ng sobrang kaligayahan
mula kay lolo and lola...

Ang gimick with tita and tito's... Ang simpleng salo salo sa kubo
ng ibat ibang putahe na niluto ng aming mga magulang, na kung
ikaw ay parang pagong tiyak na walang aabutan... 

mga simpleng bagay, ngunit napakahalaga sa bawat isa...

2 comments:

  1. Dama dama ko ang kalungkutan at kasabikan ng may akda nito..kahit nakahiga na ako at nag-iisa, naiisip ko pa rin yun damdamin ng gumawa nito

    Puno puno ng pagmamahal..

    ReplyDelete