Saturday, September 8, 2012

Isang Kahapon


Nakaupo sa isang malamig na bato habang nakatanaw sa kawalan, unti unting bumalik ang nakaraan.  Ang wagas nilang pagmamahalan na punong puno ng pangarap, pagmamahalan na nagdulot ng sobrang pait sa nagdaang kahapon.  

Na kahit anong gawing pagsisisi di na muling maibabalik ang dating pag ibig na nagbigay buhay at pagasa.  

Minahal sya ng sobra, inunawa, at pinagkatiwalaan. Pero sa bandang huli dinurog nya lang ang kanyang puso, sa mga unang taon na kaya nyang tiisin lahat ng pasakit na idinudulot sa kanya, ngunit ang puso ay napapagod din kahit ito pa ay punong puno ng pagmamahal, magagawa pa rin nitong sumuko kung ang taong pinaglalaanan nito ay walang pagpapahalaga sa taong nagbibigay nito.

Magsisi man sya ngayon ngunit di na nya maibabalik ang dating pagtitinginan, na sya mismo ang sumira, ang tangi na lang kayang gawin ay balik balikan sa kanyang mga alaala ang kahapong kay saya na di nya na gawang pahalagahan.

Bakit nga ba nasa huli ang pagsisisi, bakit nga ba sa huli malalaman ang kahalagahan ng isang tao kung ito ay wala na sa atin.

Wednesday, August 29, 2012

Malayong Pag-ibig



Gaano nga ba kahirap ang malayo ka sa iyong pinakamamahal, kasing sakit ba ito ng una mong pagkakadapa noong ikaw ay bata pa, o kasing sakit ba ito ng una mong maramdaman ang palo ng pagmamahal ni ina.  

Paano nga ba mailalarawan ang pangungulila sa isang minamahal, kung ang pag-ibig ay wagas at tunay. Paano mo maipapadama ang iyong tunay na pagmamahal kung ang layo mo ay di mo na sya matanaw? 



Ang isang tunay at wagas na pag-ibig, malayo man ito o malapit, kung ikaw ay tapat at nagtitiwala sa iyong minamahal ano mang pagsubok na dumating ay malalampasan din.  Ngunit kung sa simula pa lang ay naiisip mo na na napakahirap ang ganitong kalagayan, pano mo pa malalampasan ang madaming taon ng pagkakawalay.


Ang isang pagmamahal ay hindi magtatagal kung isa lang ang gumagawa ng paraan upang ito ay maging mas malalim at matibay.  Ngunit ang isang pagmamahalan na pinapahalagahan ng dalawang tao ay may mararating na tagumpay.  Tiwala, respeto at panalangin ang laging lalong nagpapatibay ng isang relasyon, gaano man kayo ka layo sa isa't isa kung tunay at wagas ang pagmamahalan ito ay gagantimpalaan.

Wala Na Nga Ba


Ang isang simple at maginoong hinahangad niya, nasa paglipas ng panahon ay di pa rin matagpuan. Unti unti na yatang nawawala ang kanyang pag asa na ikaw ay matagpuan.  Sa mga panahong nagdaan halos lahat sila ay nagbigay ng kabiguan, kabiguan na nagiwan ng kirot sa kanyang puso. Na unti unting nagpapawala ng pagnanais na makatagpo ng isang katulad nya.  

Minsan na itanong nya sa sarili, ano ba ang mali sa kanyang mga ginawa. Isang simple, mapagmahal at maunawaing babae. Ngunit sa kabila nito ay nagawa pa rin syang iwanan at ipagpalit sa iba, gaano kasakit para sa kanya ang basta nalang iwan at ipagpalit. Gayong alam nya sa sarili nya na wala syang naging pagkukulang.

Sa kabila ng lahat sinubukan nya paring muling magmahal at magtiwala, ngunit sya'y bigo pa rin.  Hangang magdesisyon na lang sya na ibuhos ang kanyang atensyon at pagmamahal sa kanyang pamilya, na magbibigay ng kaligayahan sa kanyang puso, iba man ang klase ng pagmamahal na ito pero ito ay di gaanong magbibigay ng kasawian sa kanyang buhay, bagkos magbibigay ng pagmamahal na di naghahangad ng anumang mapalit.

Ngunit sumasagi pa rin sa kanyang isipan, kung kailan nya mararanasan ang isang tunay at wagas na pagmamahal.  Magdulot man ito ng kasawian, ang mahalaga ay naipadama nya ng tapat at wagas ang nilalaman ng kanyang puso. Gaano man katagal, susubukan nya pa ring makamtam ang inaasam.

Saturday, August 25, 2012

Kabaitan Saan Nga Ba Nagmumula!


Saan ba masusukat ang kabaitan ng isang tao

Sa pagsilang nya palang ba sa mundong ibabaw,
ay unti unti nang mabubuo ang kabaitan nyang
tataglayin.

Sa paghubog ng kanyang mga magulang at kanyang
pananampalataya.

O sa pakikisalamuha sa mga taong pumapaligid sa kanya.



Paano Nga Ba



Paano nga ba? Yan ang tanong na unti unting na bubuo sa kanyang isipan

Kung paano nya muling sisimulan ang pag buo ng kanyang mga pangarap.



Dahil minsan sa kanyang buhay dumating din ang kabiguan at maling landas na kanyang napiling tahakin
Ngunit ganun paman ang nangyari sa kanyang buhay, ninanais nya na muling tahakin ang liwanag.

Ngunit paano nga ba sisimulan ito? Ang Magsimba at humingi ng tawad ng mula sa kaibuturan ng kanyang puso, matutunang pahalagahan at mahalin ang sarili, matutunang pagaralan ang pananalita na di makakasakit ng kapwa.

Minsan sa buhay nya marami syang mga kaibigan na handang tumulong sa ano mang oras na kailanganin nya , ngunit hindi lahat ay tumagal, meron na humusga agad sa nangyari sa kanya, meron din na pilit syang inuunawa, at meron din na sumuko na.


Ngunit sa kabila ng lahat pilit pa rin nyang ibinabangon ang kanyang nasirang landasin, sinisimulan nyang humingi ng tawad sa mga taong alam nya o naisip nya na maaring nagawan nya ng kasalanan. May mga taong  pinatawad agad sya at may mga taong binalewala lang sya, gaano man ang sakit na idinulot nun sa kanya, mas pinili nya pa rin na ayusin ang kanyang buhay, hindi lang para sa kanya kung di para na rin sa kanyang pamilya na labis na nasaktan sa kanyang dinanas.

Noon nya na pagtanto na kahit ano man ang nagawa nya, pamilya nya pa rin ang unang gagabay at uunawa sa kanya. Kaya ngayon ang buhay nya ay unti unting nagliliwanag, dahil natutuhan nyang magbalik loob sa kanya at natutunan nya na pahalagahan ang mga tao na nagmamahal at nagbibigay ng importansya sa kanyang buhay.





Isang Yugto ng Buhay ni Rhea


Ang kwento ng pag-ibig ni Rhea, ay nagmula sa mapaglarong isipan ko.

Sya ay isang simpleng babae na may simpleng pangarap sa buhay, yun ay ang magkaroon din ng isang simpleng pamilya kasama ang kanyang pinakamamahal. Sa unang taon ng kanilang pagsasama, sila ay pinagkalooban agad ng isang munting angel na lalong nagpalalim ng kanilang pagmamahalan, ngunit dahil sa unti unting paglaki ng kanilang pamilya, napilitang lumayo pansamantala ang kanyang mapagmahal na asawa upang maghanap buhay para sa kanila ng kanilang anak. 

Sa unang mga taon ng kanyang pagtatrabaho ay maganda naman ang naging bunga ng kanyang pagpapakahirap, nagagawa nyang umuwi isang beses sa isang linggo, hangang maging isang buwan, hangang maging dalawa o tatlong buwan bago sya umuwi sa bahay nila. Ni minsan ay hindi sya nagduda sa kanyang asawa, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari darating at darating ang araw na malalaman nya ang dahilan ng unti unting pagtagal ng paguwi ng kanyang pinakamamahal sa kanila.

Isang araw na sya ay lumuwas upang supresahin ang kanyang kabiyak, sa di inaasahan sya ang nabigla sa kanyang nakita, ang kanyang pinakamamahal ay nasa piling na ng iba.

Wala syang giinawa kung di ang umiyak ng umiyak at kausapin ang kanyang kabiyak, tanungin kung ano ang nangyari sa maraming taon ng kanilang pagsasama, ngunit ang tanging narinig nya ay ang paghingi ng tawad nito at tuluyang  iwanan silang mag ina. Sinubukan nya na ipaglaban ang kanyang karapatan bilang kabiyak ng kanyang asawa ngunit paano mo ipaglalaban ang isang pag-ibig kung isa na lang ang nagnanais na mabuo muli ito.

Kung ang taong ipinalit nya sa'yo ay walang puso, para maintindihan ang iyong pinagdaraanan. Walang nasa isip kung di ang kanyang nararamdaman at di naiintindihan kung ano ang magiging kahihinatnan nito sa munting angel na kanyang pinakamamahal. 

Sa mga unang paguusap ay tumutupad ang kanyang kabiyak sa pagtustos sa pangangailangan ng kanilang anak, ngunit unti unti itong dumadalang sa pagpapadala ng suporta para sa kanilang anak. Sa kabila nito ipinaglaban pa rin nya ang karapatan ng kanyang anak na matustusan ng kanyang ama ang kanyang mga pangangailangan, hangang sumuko na rin sya at nag desisyon na sya nalang ang magpatuloy sa pagaaruga at pagsuporta sa kanyang anak, dahil nanliliit sya sa kanyang sarili sa tuwiing nnanlilimos sya ng suporta para sa kanyang anak.

Minsan naisip nya, ano ba ang naging mali sa desisyon nya. ang pagaasawa ba nya ng napakabata pa, o ang labis nyang pagtitiwala at pagmamahal. 

Ngunit sa bandang huli naniwala pa rin sya na di ito ibibigay sa kanya kung di nya ito makakaya.

Sa ngayon pinipilit nyang ibigay ang magandang buhay para sa kanyang munting angel. Nawa'y patuloy syang gabayan ng poong may kapal sa kanyang buhay.

Friday, August 24, 2012

Ang Unang Pag-Ibig


Noong una palang na nakilala nya ang isang maginoo at matipunong lalaking iyon
Ay nagdulot na agad ng kakaibang pintig sa kanyang puso. 
Sa simula ay naging malapit na magkaibigan at unti unting lumalim ang pagkakaibigan
hangang maging isang malalim na relasyon,
na unti unting nagpabago sa kanilang buhay. 

Sa simula ay napakasaya at laging nagkakaintindihan
Ngunit sadyang dumarating ang di pagkakaunawaan 
Upang subukin ang lalim at tatag ng pagmamahalan. 
Ngunit di nya na gawang ipaglaban ang kanyang pagmamahal 
Kung kaya sila ay nagkawalay.

Ngunit lumipas man ang maraming taon, 
Marami man ang dumating sa kanyang buhay. 
Ngunit ang kanyang unang pag-ibig ni minsan ay di  na waglit sa kanyang isipan, 
May sakit man ito na idinulot, 
Ngunit  maraming aral din ang natutunan. 
Di man sila ang naging magkapalad sa huli,
Naging napakasaya pa rin ng buhay nya sa kanyang pinakamamahal ngayon..