Friday, August 24, 2012

Kaibigan Nya



Saan ba nasusukat ang isang pagkakaibigan?

ito ba ay kailangan kilala mo sya mula pa sa iyong pagka bata,
o pwede rin na kanina mo lang sya nakilala..

Para sa isang kagaya nya, ang tunay na pagkakaibigan ay di
nasusukat sa tagal ng pinagsamahan, kung di paano nya nagawang
pumasok sa kaibuturan ng iyong puso.

Isang kaibigan na handang makinig sa lahat ng magaganda at di
gaanong kaganda na nangyari sa iyong buhay.
At handang sabihin sa iyo ang nilalaman ng kanyang puso,maging
ito man ay makakasakit o makakapagpasaya sa iyo, dahil isa lang
ang ninanais nya ang maging tapat at totoo sa kanyang pananaw
sa mga bagay na nasabi mo sa kanya.

 Dahil para sa kanya ang isang tunay na nagmamalasakit ay yung 
taong handa kang saktan para matuto kang lumaban sa agos ng
iyong buhay.

At hindi yung mga taong ang kaya lang sabihin ay kung ano ang
magpapangiti sayo at natatakot na masaktan ka.

Kaya saan man sya padparin ng kanyang paglalakbay palagi
paring may nakikilala na handang sya ay gabayan, dahil sa
kabutihan ng kanyang puso na naipamamalas nya.

At dahil sa paniniwala nya, na ang may kapal ay laging nasa
tabi nya upang sya ay gabayan mula sa mga taong napili nya
na mapalapit sa kanya.




Ang pagdaloy ng luha sa gitna ng Gabi...


Isang gabi ng katahimikan,
unti unting dumadaloy ang mga
agos ng pangungulila, di sinasadja
di pinipilit kusang umaagos sa isang pagpikit...

Bumabalik ang masasayang sandali na kasama,
ang bawat isa, ang mga halakhak, kulitan,
ang pagpapadama ng pagmamahal para sa isat isa...

Bigla nananabik sa apat na sulok ng dating kinahihigaan,
ang paboritong kumot na pumapawi sa lamig na nadarama,
ang malaking si Mholly, si pooh na katabi sa pagsapit ng gabi...

Ang mga haplos ng mapagkalingan kamay ng aming butihing ina,
sa oras ng karamdaman ay dumadapi sa aming katawan,
Ang malakas na boses ni Daddy at pakikipagkulitan sa kanya...
Ang aming pagsasamang magkakapatid sa isang simpleng
kainan, kwentuhan at kantahan...

Ang paggalang sa aking lola and lolo, ang yakap ng pagmamahal
at halik ng pagkalinga. Ang pagbibigay ng isang simpleng bagay
na nagmumula sa mga puso, na nagbibigay ng sobrang kaligayahan
mula kay lolo and lola...

Ang gimick with tita and tito's... Ang simpleng salo salo sa kubo
ng ibat ibang putahe na niluto ng aming mga magulang, na kung
ikaw ay parang pagong tiyak na walang aabutan... 

mga simpleng bagay, ngunit napakahalaga sa bawat isa...