Saturday, September 8, 2012

Isang Kahapon


Nakaupo sa isang malamig na bato habang nakatanaw sa kawalan, unti unting bumalik ang nakaraan.  Ang wagas nilang pagmamahalan na punong puno ng pangarap, pagmamahalan na nagdulot ng sobrang pait sa nagdaang kahapon.  

Na kahit anong gawing pagsisisi di na muling maibabalik ang dating pag ibig na nagbigay buhay at pagasa.  

Minahal sya ng sobra, inunawa, at pinagkatiwalaan. Pero sa bandang huli dinurog nya lang ang kanyang puso, sa mga unang taon na kaya nyang tiisin lahat ng pasakit na idinudulot sa kanya, ngunit ang puso ay napapagod din kahit ito pa ay punong puno ng pagmamahal, magagawa pa rin nitong sumuko kung ang taong pinaglalaanan nito ay walang pagpapahalaga sa taong nagbibigay nito.

Magsisi man sya ngayon ngunit di na nya maibabalik ang dating pagtitinginan, na sya mismo ang sumira, ang tangi na lang kayang gawin ay balik balikan sa kanyang mga alaala ang kahapong kay saya na di nya na gawang pahalagahan.

Bakit nga ba nasa huli ang pagsisisi, bakit nga ba sa huli malalaman ang kahalagahan ng isang tao kung ito ay wala na sa atin.